Abante Tonite Interactive

Fake news labanan — VP Leni

By
335

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang panawagan ng S­ingapore sa ASEAN member-states para sa isang collective commitment kontra misinformation o pagpapakalat ng maling impormasyon sa rehiyon.

Naniniwala si Rob­redo na mahalaga ang labang ito partikular sa panig ng Pilipinas na patuloy na namama­yagpag ang mga fake news at pagpapakalat ng mga mali at walang katotohanang impormasyon sa publiko.

Dahil dito, hiling ng pangalawang pangulo sa administrasyon na gu­mawa ng konkretong hakbang upang tugunan ang problemang ito at gamiting gabay ang nabuong ‘ASEAN Framework and Joint Declaration to Minimize the Harmful Effects of Fake News’ sa idinaos na 14th Conference of ASEAN Ministers Responsible for Information (AMRI) noong Mayo 2018.

“As such, we should be at the forefront of efforts to implement the Declaration as a guide in combating the proliferation of fake news, and improving media and information lite­racy,” ayon kay Robredo­.