Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fake news lalong lumakas habang papalapit eleksiyon

0 178

13 araw na lang at idadaos ang ang May 9,2022 national at local elections sa bansa.

Kakaiba ang eleksiyon 2022 dahil mas namamayagpag ang fake news o paninira sa bawat kandidato.

Kaya naman ay asahan na sa papalapit ng araw ng eleksiyon at lalo pang lalawak at lalakas ang pagpapalakas ng pagkalas ng mga mali o imbentong balita laban sa isang kandidato.

Hanggang sa ngayon ay wala pa rin naman ginagawang aksiyon ang Comelec laban sa mga kampo ng kandidato na madalas magpakalat ng fake news na tila ay nagiging normal na lang ito sa bansa.

Dapat ay mismong ang Comelec ang magpataw din ng parusa sa mga kandidato na nagpapakalat ng kasinungalingan at paninira sa kapwa kandidato upang mabigyan ng leksiyon.

Samantala hanggang sa ngayon ay wala pa rin nailalabas na resulta ng imbestigasyon ang Comelec sa mga napaulat na vote buying ng mga kandidato na naunang naidokumento ng ilang media network.

Bukod dito ay madalas din natin agad idismis ng Comelec ang mga napapaulat na anomalya umano sa absentee voting para sa mga Pilipinong manggagawa.

Agad na itinuturing ng Comelec na fake news ang umano’y mga kapalpakan sa balota na may nawawalang pangalan ng kandidato o kaya naman ay pre shaded na ang balota.

Seryosong usapin ito na kung totoong fake news ang mga problema sa balota ay agad na ilantad sa publiko ang katotohanan upang hindi mawala ang tiwala ng mamamayan sa kredebilidad ng eleksiyon sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.