Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fake supplier ng face shield naglipana – PNP

0 356

Kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga face shield dahil sa demand bago ang mandatory na pagsusuot nito sa mga sasakay sa pampublikong transportasyon, binabala ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang umano’y nagkalat na mga scammer na nagbebenta ng naturang produkto.

Ayon sa pulisya, dumami ang umano’y nagpo-post na naghahanap o nagbebenta ng mga face shield. Gayunman, may ilan na ang layunin ay makapanloko ng kostumer o ‘di kaya ay mga seller. Sa imbestigasyon may tumatayo umanong bogus supplier o buyer ng face shield, habang may ilan ding middleman para makapanloko.

Kasama rin sa imbestigasyon ng PNP-ACG kung may nagmamanipula sa supply. Paalala pa nitosa publiko, maging mapanuri sa mga binibili online.

Sa ngayon ay matindi ang demand ng face shield sa merkado. Katunayan, may ilan na nabibiling P50 ang isa na dating P25. Ang iba naman sa malalayong probinsya, nabibili ng hanggang P100 ang bawat isa.

Sa Metro Manila at ilan pang karatig-lugar, kung saan ipinapatupad ang modified enhanced community quarantine at bawal pa rin ang pamamasada ng pampublikong sasakyan, aarangkada ang panuntunan oras na maalis ang mahigpit na lockdown protocols. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.