Abante Tonite Interactive

Falcis pinapaaresto sa estafa case ni Kris

273

Naglabas na ng warrant of arrest ang Taguig City Regional Trial court sa dating business partner ni Kris Aquino na si Nicko Falcis kaugnay ng mga kasong estafa at paglabag sa Access Device Law na isinampa sa kanya ng una.

“Immediately upon the issuance of the Resolution of the Office of the City Prosecutor of Taguig City recommending the indictment of Mr. Nicko Falcis of the crimes of estafa and violation of the Access Device Law (Republic Act No. 8484) warrant of arrest was issued by Branch 70 of the Taguig City Regional Trial Court,” ayon ito sa press statement kahapon ng Fortun Narvasa and Salazar law firm na siyang may hawak ng mga kaso ni Aquino laban kay Falcis.

Dagdag pa nito, isinilbi ang arrest warrant sa bahay ni Falcis sa Quezon City na ibinigay nitong address sa sinumpaan nitong affidavit. Pero nang ihain umano ng mga pulis ang nasabing warrant ay wala si Falcis sa bahay nito.

“He was not there, and his family and his brother claimed to not know his whereabouts. He continue to be at large as of today,” ayon pa sa nasabing pahayag.