Abante Tonite Interactive

Falcis sa korte na ang awrahan

436
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Ang magkapatid na Falcis, sina Jess at Nicko, walang duda eh milking their 15 minutes of fame.
O, ‘di ba ang kapatiran, makibaka at huwag matakot ang emote! Ganda!
Ang pinagtataka ko lang, abogado naman at political analyst itong si bunsong Falcis, bakit kailangang lagi siyang magpatawag ng press confe­rence at magpa-interview kung talagang nasa panig nila ang katotohanan?
Hindi ba na sa korte na ang usapin? Iyon ang tamang lugar para ilabas ang lahat ng mga ebidensya at hindi dapat sa mga press conference, entertainment portal at social media.
Ano ito, they are trying the case via press conferences and social media? If they have the truth on their side, ano pa ang puntos ng mga kuda at hanash nilang magkapatid?
True, maaaring taklesa si Kris Aquino, may kayabangan, mataas ang tingin sa sarili pero that is part of her privilege. Prebilihiyo niyang magsuplada at magmaganda.
Alam naman natin na ang mga “threat” at “pagtataray” o “pang-iinsulto” niya comes with her ­dugong mayaman territory pero it does not mean she is vindictive, and will make sure she inflicts pain and suffering to other people. Nananalig ako sa katotohanan na yes, she can be a brat and all but there is no mean bone in her body.
Sa ngayon, she is just fighting for the version of her truth. Hindi magdedemanda si Kris kung walang dahilan.
Alam niyang dapat niyang ipaglaban ang kanyang sarili at mga anak at nasa proper forum na ang usapin.
Nasa Singapore na ngayon ang Digital Empress para sa kanyang karamdaman. Sa magkapatid na Nicko at Jess, tama na ang kuda at hanash. Sa korte na kasi dapat ang awrahan!

Pelikula ni Jose laban o bawi? 

Palabas na sa kasalukuyan ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, kamusta naman ito sa takilya? May makakapagsabi ba kung ultra-electric top ang pagka-top nito sa takilya lalo na nga’t kasabay nito ang “Bumble Bee” prequel at ang reinvigorated yet very dry na “Mary Poppins?”
Ang balana, dabarkads at madlang pipol, ramdam ba ang pananalasa nito sa takilya o may chance na lelembot-lembot ito at hindi pa mainit at namumulaklak ang pagtanggap?
Ang mga nagmamalditong film reviewer na sina Philbert Dy at Oggs Cruz, pinanood kaya nila ito o dahil nga naumay si Cruz sa MMFF offerings at si Dy naman ay hindi sumuporta sa kahit na anong pelikulang kalahok, sa kanila bang pakiwari’y parang pang-MMFF rin ang “Boy Tokwa” kaya si Philbert, matutulog na lang at si Oggs, maaaring matatalas na English words na naman ang kanyang gagamitin kung sakaling may rebyu siya?
Ang ingay nito sa Facebook, Twitter at Instagram? Sa mga pelikulang ipinapalabas sa kasalukuyan, sa aking FB page, may mga posting na patungkol sa kotseng nagiging buhay na robot at ang nanny from heaven, pero wala pa akong post na binasa na tuwang-tuwa at hinihikayat na ­panoorin ang lodi movie.
Sa ibang FB at social media pages kaya, in a major, major way na ang panga­ngalampag at pag-iingay?
Eh kamusta naman ang sitwasyon sa mga sinehan sa mga mall? Maintained pa ba ang schedules nito? Hindi ba naging sliding ang pagtatanghal? Ang scenario na first hour, last hour at first day, last day, nangyari ba sa pelikula o they are holding on to their horses at nanana­lig na ang dabarkads, go for gold ang suporta sa Jose Manalo starrer ngayong magtatapos na ang linggo?
Ayaw na bang paawat ang pagsikat ni Manalo kaya palakpakan na may kasamang mara­ming sigawan at sangrekwa ang nanood na at manonood pa sa “Boy Tokwa: Lodi ng Gapo?” O dahil nga panaka-naka pa rin ang pag-ulan at ­traffic is always terrible, mas marami ang mas nag-cocooning na lang sa kani-kanilang bahay kesa manood sa mga sinehan?