Abante Tonite Interactive

‘Falcon’ magpapaulan sa Metro Manila, VisMin

224

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang namataang low pressure area na binabantayan sa labas ng bansa.

Sa ipinalabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admjnistration (PAGASA), inaasahang sa susunod na 48 oras ay posible na itong maging bagyo at tatawagin Falcon.

Ayon kay Rey Ordinari, weather forecaster ,ang bagyong Falcon ay magpapaulan sa Metro Manila, Vizayas at Mindanao.

Namataan ang LPA dakong alas-10:00 nang umaga sa layong 1,205 Kilometeo ng Silangan ng Vizayas sa labas ng PAR.

Samantal, pinayuhan ng PAGASA ang lahat ng Risk Reduction and Management Office na patuloy na i monitor ang masamang panahon. (Juliet de Loza-Cudia)