Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Family driver niratrat sa Maynila

0 209

Inaalam ng Manila Police District-homicide section kung away trapiko, atraso o holdap ang motibo ng pagpaslang sa isang family driver, sa ng Lagusnilad, tapat ng Manila City Hall kamakalawa ng hapon

Nabatid na hinarang ng apat na suspek na nakasuot ng facemask at bullet vest ang sasakyan na minamaneho ng biktimang si Nelbert Casido, nasa hustong edad at taga-Legarda St., Sampaloc.

Sa imbestigasyon ng pulisya binabaybay ng biktima kasama ang mga testigong sina Marjerie Pastor, 28; at Angel Funa, nang pagdating sa ilalim ng Lagusnilad ay harangin ng gray na Mitsubishi Adventure na kulay gray na walang plaka.

Bumaba umano ang isang sakay at bumunot ng baril at dalawang beses binaril ang wind shield ng kotse at isa pang suspek na may dalang pares ng dumbell ang bumaba at saka winasak nang tuluyan ang windshield at kinalawit palabas ang biktima at saka binaril sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.

Iniwan nakahandusay sa kalsada.malapit sa kanal ng Lagusnilad at tumakas pa south bound ng Taft Avenue.

Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang dalawang babaeng kasama ng biktima. Patuloy naman ang dragnet operation ng pulisya laban sa mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.