Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Family lockdown panawagan ng Palasyo

0 210

Nanawagan ang Malacañang sa mga pinuno ng pamilya na simulan sa kanilang mga tahanan ang family lockdown para magtagumpay ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na batid ng Palasyo na mahirap, masakit at magastos ang 15 araw na lockdown subalit kailangang magsakripisyo para hindi masalanta ang Metro Manila sa pag-atake ng Delta variant.

“Ang aking panawagan po, huwag na nating iasa sa gobyerno ang pagpapatupad ng ECQ. Lahat po ng hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng lockdown, walang lalabas sa tahanan para mapangalagaan po ang kalusugan ng lahat,” ani Roque.

SM food to go Banner Ad

Kapag aniya simulan sa mga tahanan ang lockdown, siguradong hindu mahihirapan ang gobyerno.

“Kapag hindi po natin ito ginawa, 525,000 cases by the end of September ang posibleng magkaroon tayo `no. Eh wala tayong sapat na ospital para alagaan iyong mga seryoso at kritikal na magkakasakit out of the 525,000,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.