Abante Tonite Interactive

Family planning bubuhayin

464

Para mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa, ikakasa ng administrasyong Duterte ang full scheme family planning program sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil napabayaan aniya ang programa ng mga nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Pernia, nagdulot ng malaking epekto hindi lamang sa paglobo ng populasyon kundi sa antas ng kahirapan ang hindi masigasig na pagpapatupad ng family planning program sa mga nakalipas na administrasyon kaya palalakasin ito ng kasalukuyang administrasyon.

Naungusan na aniya ng mga kalapit bansa gaya ng Thailand at Indonesia ang Pilipinas sa pagkontrol sa kanilang populasyon dahil seryosong ipinatupad ng mga ito ang nabanggit na programa.

“It was stopped because of the demands of conservative groups by the late 70’s. So, since the late 70’s until the present, the administration – except for the administration of President Ramos which was short lived – we have not really had an honest to goodness family planning program. So that explains why the poverty incidence in the other countries like Thailand and Malaysia and Indonesia is much lower than in the Philippines,” ani Pernia.

Sinimulang ipatupad sa bansa ang family planning program noong 1969 hanggang dekada 70 subalit napabayaan pagsapit ng mga sumunod na taon. (Aileen Taliping)