Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Family planning sablay kaya walang distancing – Digong

0 594

Hindi ganap na naipatupad ang family planning program ng gobyerno kaya lumalaki ang populasyon ng Pilipinas na naging dahilan para mahirap ipatupad ang mga basic health protocol laban sa COVID-19 katulad ng social distancing.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng ilang proyekto sa Sibulan Airport sa Dumaguete City nitong Huwebes.

Naungkat ni Pangulong Duterte ang family planning program matapos gawing halimbawa ang ang Quiapo sa Maynila kung saan siksikan aniya ang mga tao at mahirap ipatupad ang health protocol.

“We have not been able to implement the family planning program. Eh ayaw ng simbahan kaya collision course talaga and one word led to another,” ani Pangulong Duterte.

“Hindi naman sa kukulangin tayo ng tao, but, sana, we can match the family planning of the government at least with our GDP. Ang halaga natin sa kaya ba natin,” said Duterte.

Ang Pilipinas na aniya ang ikalawa sa pinakamabilis na dumami ang populasyon at umaasa siyang magagawan ito ng paraan.

“It’s high time that we review. Maski sabihin mo social distancing, paglabas pa lamg ng tao ng bahay niya hirap na siya. He can hardly have the space to move around. Sana we can match the family planning program at least with our GDP,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.