Abante Tonite Interactive

Fan dismayado sa panalo ni Bordeos

342

Masaya na malungkot ang isang fan ng Standard Insurance-­Navy matapos ang Stage 1 ng LBC Ronda Pilipinas 10th ­anniversary race kahapon na nagtapos sa harapan ng City Hall ng Sorsogon.

Maligaya si Ernesto Sandoval dahil napanood niya nang live ang kanyang paboritong team na Standard Insurance pero malungkot dahil hindi Navy cyclist ang nagwagi sa opening stage ng 10-edition race.

“Kahapon (Sabado) pa ako nandito kasi nagpa-picture ako sa mga siklista lalo na sa Standard Insurance,” saad ni Sandoval na taga-Daet.

Si Mark Julius ­Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang nagwagi sa 129.5 km race, umoras ito ng tatlong oras, anim na minuto at pitong segundo sapat upang hawakan ang Red Jersey ngayong araw sa Stage 2, 163km Sorsogon-Legazpi race.

Kapareho ni Bordeos ng oras sina Jerry Aquino Jr. ng Scratch It, Rustom Lim ng 7Ele­ven at George Oconer ng Navy sa event na inorganisa ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black ­Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)