Abante Tonite Interactive

Fan kay Ross: Sabihan si Arwind

388

Lumaking parang apoy ang ‘monkey dance’ ni Arwind Santos sa second quarter ng Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Marami ang nag-react, may nagbanggit pa ng pangalan ni Chris Ross.

Racist anila ang sa­yaw ni Santos na parang ginagaya ang unggoy, inaalaska si African-American import Terrence Jones ng TNT.

May mga nagsasabing dapat daw pagsabihan ni Ross ang San Miguel Beer teammate na si Santos.

“How about @cmross6 who even had to lie and accused cyg (Coach Yeng Guiao) of calling him the N word and @Real_Mateo (Matt Ganuelas-Rosser) who posted a long message about “education”. What now? @arwindsotnas @cmross6 and @TheSMBeermen pls remember players before you,” tweet ni @kiks1978.

Sagot ‘yun sa post sa Twitter ni Fil-Am Joe Devance ng Ginebra na ‘di bahagi ng mind games ang ginawa ni Arwind, nagpapakita lang daw ito kung anong klaseng edukasyon me­ron siya.

Pinabulaanan ito ni Ross: “First of all I never said Coach Yeng called me that. That never came out of my mouth. Get your facts straight.”

Teammate din nina Santos at Ross sa SMB si Ganuelas-Rosser, at isa ring Fil-Am.

Sa isa pang nagsabing nagwala raw si Ross nang tawagin ng N word sa court, may sagot din ang guard.

“You don’t know what I was called on the court. Stop putting false information out there for likes and retweets. And how do you know what’s worse?” (Vladi Eduarte)