Abante Tonite Interactive

Fan meeting ni Song Joong Ki dinayo

By
203

Matagumpay at dinagsa ng mga tagahanga ng Hallyu star na si Song Joong Ki ang kanyang fan meeting. Kasabay nito, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-10th anniversary sa showbiz.

Naganap ito noong September 1 sa Kyung Hee University Peace Hall. Matagal na hinintay ng mga fan ni Joong Ki ang muli siyang makadaupang-palad.

Kaya naman dumayo sa South Korea ang mga taga-China, Taiwan, Hong Kong at Singapore. Siyempre, pinaka-punong-abala ang official fan club niya sa okasyon.

Sinimulan ni Joong Ki ang fm niya na tila nag-trip down memory lane ito ng past 10 years niya with all his previous projects. Ibinahagi rin niya ang mga philosophy niya pagdating sa kanyang work.

Binasa rin niya ang mga fan letter ng mga fan at nakipag-interact sa kanila ng mas personal pa.

Bukod kay Joong Ki, nagkaroon din ng personal appearance ang mga celebrity friends niya tulad ni Lee Kwang Soo na best friend nito at dating co-star sa Running Man.

Present din ang member ng 2PM na si Junho at ang actor na si Kim Min Suk.

Nag-send naman ng video greeting sina Park Bo Gum, So Ji Sub, Park Bo Young, Kim Jong Kook, Yoo Yeon Seok, Jin Goo, and Cha Tae Hyun.
Sa huli, binasa ni Song Joong Ki ang personal na sulat na ginawa niya para sa mga fan.

“Thinking about the fact that this year marks the 10th anniversary of my debut, it feels both amazing and strange.

“I’ve met so many great colleagues up until now. It’s thanks to them that I was able to make it this far. From now on, I’m thinking of working hard once again to create 10 years that are completely different [from the last 10 years].”

Dugtong pa niya, “I will pour my everything into showing you new sides of myself, better acting, and my continuing hard work. It was an honor to spend the last 10 years together with all of you. I love you.”

Obviously, hudyat na ng pagbabalik ni Joong Ki ang fan meeting. Nagsisimula na rin siya ng preparasyon para sa period fantasy drama niya sa tvN na “Asadal.”