Abante Tonite Interactive

Fan ni Heart milyonarya na

1,789

Ghie Pangilinan is just an ordinary fan of Heart Evangelista. Laging sinusu­baybayan ni Ghie ang mga teleserye ni Heart. Updated siya sa mga nangyayari sa buhay ni Heart. Suportado rin niya ang halos lahat ng ine-endorse ng kanyang idol.

But aside from being an avid fan of Heart ay may mga personal na pangarap din si Ghie na gusto niyang marating. At du’n ay dahil sa influence na rin ng kanyang idol na si Heart lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

At dahil sa kanyang lakas ng loob, kahit na ilang challenges na ang kanyang hinarap, she is now a successful online seller, and no doubt, a millionaire.

Year 2003 ‘yon nang nagsimula nang maranasan ni Mrs. Ghie ang mga pagsubok sa kanyang buhay.

Nabaon pa sila sa utang kaya no choice si Ms. Ghie nu’n kundi ang mamasukan sa Puregold para tulungan ang asawa niya sa pagbabayad ng kanilang utang.
Everytime na umuuwi nu’n si Mr. Pangilinan na may dalang ipon ay nauuwi lang lahat sa pambayad ng utang.
Yes.

Namamakyaw rin noon si Ms. Ghie ng mga produkto sa Divisoria at namili rin siya ng mga gadgets, baby products and clothes, tsinelas at iba from China and USA para ibenta. Kaso, wala pa ring nangyari at natalo pa rin siya.

Year 2013, election month, nagbenta sila ng election T-shirts kahit kailangan nilang lumuwas sa Manila at umarkila ng sasakyan para lang magawa ‘to. Naloko sila ng buyer nila sa Manila at wala pa silang pambayad sa inarkila nilang sasakyan.

“Masakit at nakakalungkot ang nangyari pero walang sukuan, lakasan lang ng loob,” ani Ms. Ghie.

Taong 2015 ‘yon nang magkaroon ng isang kaibigan na skin care products manufacturer si Ms. Ghie at muli siyang sumubok na magtagumpay. Binigyan siya ng kanyang kaibigan ng terms and consignment para makapagsimula ulit ng negosyo at kahit wala nang savings at kahit ilang beses nang nabigo, tinanggap ni Ms. Ghie ang panibagong hamon.

Nagtulungan sila ng asawa niya na magtiyaga sa bagong brand na ito na kinalaunan ay tinawag nilang Skin Magical. Ngayong taong 2019, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Skin Magical business ni Ms. Ghie. “All things are possible if you believe in the power of your dreams and hard work. Sabi nga, lakasan lang ng loob ‘yan. Huwag kang matakot magsimula!” deklara niya. (Roldan Castro)