Abante Tonite Interactive

Fan ni Taylor Swift may death threat kina Scooter, Big Machine

230

Nakakatanggap ng death threat sina Scooter, Scott Borchetta at Big Machine mula sa mga fan ng singer na si Taylor Swift. Ito ay matapos nilang pigilan na mag-perform ang singer ng kanyang old hits sa darating na American Music Awards.

Ayon sa TMZ, ang death threat ay ipinadala sa social media, text message at maging sa email.

Maging ang asawa at batang mga anak ni Scooter ay nabanggit din sa magiging target. Damay din ang Ithaca Holdings office ni Scooter sa Nashville kaya kinailangan muna itong isara.

Ayon sa E! News, nadawit lamang ang pangalan ni Scooter kay Big Machine. Sey ng source na malapit sa kanya, “He doesn’t run Big Machine or have operational control of company. He hasn’t taken part in these negotiations.”

Samantala, nitong Lunes, November 18 ay inanunsiyo na ni Big Machine ang kanyang “Go Signal” para awitin ni Taylor ang lahat ng kanyang lumang kanta.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Taylor tungkol sa balita. (Ronaline Avecilla)