Abante Tonite Interactive

Farr, Mitchell unahan sa win No. 1

231

Mga laro ngayon: (Mall of Asia Arena)
4:30pm — SMB vs. Blackwater
7:00pm — Magnolia vs. NLEX

Bagong bihis ang NLEX, nagpalit din ng import ang Magnolia Pambansang Manok.

Iisa ang problema ng Road Warriors at Hotshots– ‘di pa nila mabasag ang win-column ng PBA Commissioner’s Cup elims.

May isang sisikwat ng breakthrough win pagkatapos ng bakbakan nila sa main game mamaya sa Mall of Asia Arena.

Mas mahaba ang kalbaryo ng NLEX, 0-5 sa torneo.

Umaasa ang Road Warriors na makakawala na sa slump sa pagdating ni Jericho Cruz pang-ayuda sa backcourt na minamanduhan nina Juami Tingson at Emman Monfort, kasama sina Bong Galanza at Philip Paniamogan.

Nag-click si Cruz sa ilalim ni coach Yeng Guiao noon sa Rain or Shine, pero March pa nang huli siyang maglaro sa Philippine Cup. Napunta ulit siya kay Guiao sa NLEX via three-team trade kasama ng NorthPort noong isang linggo.
Sa deal ay pinamigay din ng NLEX si Marion Magat.

“We need all the help we can get, and were ho-ping Jericho can supply that,” ani assistant coach Jojo Lastimosa, nagtitimon sa team habang nakabakasyon si Guiao. “His scoring and playmaking, and I think there is some kind of leadership quality in him.”

Sa kabilang banda, pagkatapos ng 103-80 blowout loss sa Alaska sa conference debut ay pinasibat ng Magnolia si John Fields. Dumating ang bagong import na si James Farr noong Lunes, pero ‘di rin naisalba ang Hotshots sa NorthPort 102-99 nito lang Miyerkoles. (Vladi Eduarte)