Abante Tonite Interactive

Farr, Sangalang kumahig; Magonolia dale ang NLEX

263

Nagkalamangan ng 10 points sa isa’t isa buong game ang Magnolia Pambansang Manok at North Luzon Expressway, pero kipkip ng una ang poise hanggang dulo upang matapakan ng Hotshots ang Road Warriors, 98-88, at pumasok sa win column ng 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Biyernes ng gabi sa Mall of Asia, Pasay.

Kumahig si James Farr ng 24 points at 21 rebounds upang makabawi ang MPM mula sa kambal na mga tilapon kontra NorthPort (99-102) at Alaska Milk (80-103) nitong Linggo at Hunyo 7, ayon sa pagkakasunod.

Pambawi rin ito ng pangalawang import ng mga magmamanok sa malamya niyang unang laro pagkaraang palitan si John Fields na nakaisang laro lang sa may tatlong natapos na ng batalyon.

Sumukli kay Farr sina Ian Sangalang ng 21 markers,­ Paul Lee ng 11 at Jiovani Jalalon ng 10 pts. upang pahabain pa sa anim ang kalbaryo ng NLEX sa midseason conference kahit nakadobleng pigura rin si Tony Mitchell – 22 at 13.

Pero sina Kenneth Ighalo lang ang mga nakaagapay niya sa opensiba sa tiniradang 14 nito, at JR Quinahan na may 12.
Ang iskor:

Magnolia Pambansang Manok 98 – Farr 24, Sangalang 21, Lee 11, Jalalon 10, Barroca 7, Ramos 6, Melton 5, Dela Rosa 5, Brondial 4, Herndon 3, Simon 2, Pascual 0,

NLEX 88 – Mitchell 22, Ighalo 14, Quinahan 12, Lao 8, Erram 7, Cruz 6, Galanza 5, Paredes 4, Paniamogan 3, Monfort 3, Tiongson 2, Rios 2, Baguio 0.

Quarterscores: 27-29, 45-49, 73-71, 98-88.(Lito Oredo)