Abante Tonite Interactive

Farr, Sangalang tari ng Magnolia

371

Mukhang nakasama sa Columbian ang dalawang linggong pahinga.

Sa kabilang banda, walang kapagurang nakita sa Magnolia Pambansang Manok kahit sumalang sa pangatlong laro sa loob ng limang araw.

Nagsumite ng tig-22 points sina James Farr at Ian Sangalang, nagdagdag ng 21 si Paul Lee – 11 dito sa third quarter – at pinatirik ng Hotshots ang Dyip 110-103 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Medyo mabigat kasi nag-back-to-back-to-back kami,” bulalas ni Magnolia coach Chito Victolero tapos sundan ang 98-88 win sa NLEX noong Biyernes.
Kinubra ng Hotshots ang pangalawang sunod na panalo sa apat na laro sa PBA Commissioner’s Cup elims. Nabalaho sa 1-4 ang Dyip na nagparada ng bagong import kay Lester Prosper.

“Happy kasi kahit paano naka-two-out-of-three kami sa mahirap na schedule,” dagdag ng coach. “We looked forward kasi na at least maka-50 percent kami.” (Vladi Eduarte)