Abante Tonite Interactive

Fashion designer namimigay ng face mask

418

Tumutulong na rin ang fashion industry upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y sa pamamagitan ng paggawa ng mga fabric face mask design na kanilang ipamamahagi para maprotektahan ang mga ordinaryong mamamayan sa COVID-19.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Santi Obcena, isang fashion designer, sinabi nito na kasalukuyang kumakalap sila ng mga volunteer para turuang gumawa ng face mask na kanilang tinaguriang general surgical mask design na ipamimigay sa mga tao.

Aniya, nakapamigay na sila ng ganitong face mask sa Caloocan City gayundin sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sinabi ni Obcena na kahit fabric mask lang ito mas mabuti na aniya kaysa wala para maprotektahan ang mga ordinaryong mamamayan na lumakabas ng kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan ay malaki pa rin ang kakulangan sa face mask kung kayat may mga lumalabas ng kanilang tahanan na hindi nakapagsusuot nito. (Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad