Fashion icon Ben Farrales pumanaw na

NI: VINIA VIVAR
Pumanaw na ang sikat na Pinoy fashion designer at itinuturing na haligi sa fashion industry na si Ben Farrales sa edad na 88 . Ito’y matapos ang pakikipaglaban sa prostate cancer.
Ang grandniece niyang si Leana Farrales-Carmona ang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa Facebook account nito last March 6.
“It is with deep regret and sadness that I wish to inform everyone of the demise of my grand uncle…in his lifetime recognized as the Dean of Philippine Fashion,” ang simula ng post ni Leana.
Kilala sa tawag na Mang Ben, hindi matatawaran ang tagumpay na natamo nito sa fashion industry sa loob ng 60 taong pagiging fashion designer. Dinamitan at ginawan niya ng mga kasuotan ang mga sikat na celebrities, personalities and socialites. Umani rin siya ng iba’t ibang parangal and recognitions for his works kabilang na ang pagkilala bilang Outstanding Filipino (TOFIL). Nakatanggap din siya ng award mula sa Cultural Center of the Philippines in 2015 at ine-endorse na maging National Artist for fashion design.
Siya ang kauna-unahang Pinoy designer na na nakapag-organisa ng fashion show sa Manila Hotel in 1959 at sa Kenedy Center in Washington, D.C. sa United States in 1984.

Kilala sa kanyang mga Muslim-inspired ternos, si Farrales din ang designer ni Ruffa Gutierrrez sa Sarimanok-inspired dress na ginamit nito sa Miss World 1993 beauty pageant kung saan ay nanalo ang aktres as Second Princess.
Sa kanyang Instagram Story ay inirepost ni Ruffa ang throwback photo na suot-suot niya ang nasabing Sarimanok-inspired gown.
Nag-post din ng throwback photo si Teresa Loyzaga sa kanyang FB page na suot ang kanyang wedding dress na ginawa raw ni Farrales na kanyang ninong.
“Ninong Ben Farrales. Thank you for being a wonderful Ninong to me. You will be missed. I love you! Rest easy.
(My Wedding gown. Still fits! You made this Ninong. Thank you! )” caption ni Teresa.