Abante Tonite Interactive

Fashion show sa SONA no way pa rin

74

Mananatiling simple ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating sa Hulyo 24.

Gaya ng SONA noong nakaraang taon ay walang magiging ano mang magarbong bahagi ang pagtitipon ayon na rin aniya sa kagustuhan ni Pangulong Duterte, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Nais umanong pa­natilihin ni Pangulong Duterte ang pagiging simple ng kanyang ika­lawang SONA.

Umaasa rin ang Palasyo na hindi magmumukhang isang fashion show ang SONA gaya ng nakagawian na nagkakaroon ng pagandahan ng kasuotan.

Umaasa man ang Malacañang na tatalima rito ang mga mambabatas ay ‘prerogative’ pa rin umano ng mga ito nila bilang ‘host’ ng pagtitipon.

Samantala, ibinahagi ni Andanar ang ilan sa mga makikitang bago sa SONA ng pangulo ay ang pagkakaroon ng visual aids para mas lalong maunawaan ng taumbayan ang mensahe ng presidente.

Gagamit din ng mga earpiece translators’ ang SONA para sa mga foreign visitors at mga miyembro ng diplomatic corps upang ganap nilang maunawaan ang talumpati ng Punong Ehekutibo.