Abante Tonite Interactive

Fashionista na baon sa utang

KAPITBAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

357

‘Di ko na ma-take ang galawan ng kapitbahay ko kaya gusto ko na rin siyang i-blind item dito.

 

Mangyari ay ‘di man lang niya mabayaran ang utang niya sa akin. Parang baligtad pa ang nangyayari dahil imbes na siya ang ‘di maka­tulog sa sanrekwa niyang utang ay ako pa ang napupuyat at naghihintay kung kelan niya mababayaran.

 

Parang nawawalan na ako ng pag-asa na mabayaran dahil naba­litaan ko sa iba pa na­ming kapitbahay na pati pala sila ay inutangan ng magaling kong kapitbahay.

 

Ang masakit, kung kumilos siya ay mistulang mayaman. Laging nakaayos at de-kolor ang buhok, bagong pedi­cure, manicure. Nakasunod sa fashion trend. Fashionistang-fashionista ang aura. Sundo’t ­hatid ng Grab.

 

Wala siyang paki­alam sa sasabihin ng iba, lalo na ng pinagkakautangan niya – ang importante sa kanya ay feeling maganda siya.

 

Kakabog-kabog tuloy ang dibdib ko nga­yon dahil baka sa dami ng atraso niya’y tuluyan na siyang mabaon sa utang at ‘di na rin ako mabayaran.

 

Ang kapitbahay ko ay tawagin na lang ­nating May.
Taurus Girl ng Marikina