Abante Tonite Interactive

Father’s day ispesyal

424

Si Tatay at Ako

Mula sa mahigit 300 araw sa loob ng isang taon, may natatangi at espesyal na araw na nakalaan para sa ating mga Ama.

Ito ang Father’s Day na ipagdiriwang ng buong mundo bukas. Isang araw lang ito kaya dapat na gawing espesyal ng mga taong tunay na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanila.

Para sa ating mga Pinoy, mahalagang okasyon ito na pinaghahandaan para sa magigiting nating mga Tatay. Pagkakataon kasi ito para taos-puso silang mapasalamatan sa walang kapantay na pagmamahal at pag-aaruga sa kanilang mga pamilya.

At paano naman kaya mapasasaya ang mga Tatay sa kanilang espesyal na araw?
Bukod sa sama-samang pagsimba at pagkain sa labas, may ideya ang Enchanted Kingdom­ (EK) kung paano gagawing mas masaya, makabuluhan at hindi makalilimutang karanasan ang pagdiriwang ng Father’s Day.

Tinawag itong “DADDY AND ME” na nag-aalok ng espesyal na promo para mga pamilyang magdiriwang ng nasabing okasyon sa loob ng theme park.

Para sa pamilyang may limang miyembro, swak na swak ang alok ng EK na 4+1 raffle promo sa halagang P4,300 lang.

Sa bibilhing apat na regular day pass, magbibigay ang EK ng libreng isang tiket para kay Tatay na siyang bida sa nasabing okasyon.

Maliban dito, magbibigay din ang pamunuan ng theme park ng dalawang entry para sa kanilang Fun Kart competition at limang raffle coupon para sa pagkaka­taong manalo ng isang Xtreme Magic Sing.

Sa kanilang espesyal­ na araw, bidang-bida ang mga haligi ng ta­hanan kaya sikapin sana nating iparamdam na walang tatalo sa kanila pagdating sa ating mga puso.

Isang pagsaludo sa ating mga Ama. Isang pagpupugay sa ating magulang na katuwang ng ating mga ina sa pag-aaruga at pagmamahal sa atin ng walang kapantay. Sa­lamat po. (Mia Billones)