Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Faye todo sa pasilip

0 586

NI: ROLDAN CASTRO

Palaban ang Bubble Gang mainstay na si Faye Lorenzo. Todo siya sa pasilip sa kanyang Instagram account.

Samantala, hindi lang mga lahi ni Adan ang pinapasaya niya. Pati na rin ang kanyang mga fan. Naki-bonding siya sa mga ito sa sa latest episode ng GMA Artist Center online show na ‘Hangout.’

Sa September 15 episode ng virtual Kapuso tambayan, ikinuwento ni Faye ang mga ginagawa niya ngayong pandemya.

“Ang mga pinagkakaabalahan ko ngayong quarantine bukod sa pago-online game, iniistream ko, then siyempre, workout. Nag-try na rin akong mag-online selling mga ganon, mga seafood,” aniya.

Bukod sa kwentuhan, nag-enjoy rin ang kanyang fans sa game na inihanda niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.