Abante Tonite Interactive

FB Live ni Isko nagulantang sa lindol

332

Napabalikwas at nagulat si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at pansamantalang itinigil ang kanyang Facebook Live nang maramdaman ang malakas na lindol noong Biyernes nang hapon.

Nabatid na nag-viral ang ‘cute’ na video ng alkalde nang hindi niya mapigilan ang pagsasalita ng “Lumilindol! Ang lakas oh, nahihilo ako, e. Ang lakas. Tingnan mo ‘yung ano. Ang lakas!”

Sanhi nito pansamantalang itinigil ni Moreno ang kanyang pagsasalita.
Makikita ang pagkagulat ng alkalde matapos lumagpas sa 2:00:00 mark ang video.

Kasunod nito, kaagad nagbigay ng kautusan si Moreno sa lahat ng property custodian sa Maynila a tiyakin muna na nasa maayos na integridad ang kanilang gusali bago pabalikin ang mga tao.

Nabatid na dalawang magkasunod na lindol ang naganap kahapon nang hapon. (Juliet de Loza-Cudia)