Abante Tonite Interactive

FB nag-sorry kay Xi Jinping sa Mr. Shi*hole

108

Nag-sorry ang Facebook Inc. sa mali o sablay na pangalan ni Chinese President Xi Jinping na nai-post sa Burmese language nang bumisita ang pangulo sa Myanmar.

Ayon sa Facebook, inayos na umano nila ang social platform site sa isyu ng ‘Burmese to English translation’ at sa kasalukuyan ay kanila nang inaalam kung papaano nangyari ang maling translation sa pangalan ni Xi upang hindi na maulit pa ito.

“We have fixed an issue regarding Burmese to English translations on Facebook and are working to identify the cause to ensure that it doesn’t happen again. This issue is not a ref­lection of the way our products should work and we sincerely apologize for the offense this has caused,” nakasaad sa mensahe ng FB.

Una dito ay nagtungo si XI sa Myanmar para sa kanyang two-day visit na umano’y kauna-unahang pagkakataon na may duma­law na Chinese leader sa naturang bansa sa loob ng halos dalawang dekada.

Subalit ang makasaysayang tagpo ay natuon at nasapawan ng maling ‘automatic translation feature’ sa Facebook sa Myanmar nang isalin ang pangalan ni Xi Jinping mula Burmese sa English na ‘Mr Shi*hole’.

At ang pagkakamali ay nabasa sa official FB page ng civilian leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi na nagsasaad ng… “Mr Shi*hole, President of China arrives at 4 PM,” base sa naisaling anunsyo nitong Sabado. “President of China, Mr. Shi*thole, signed a guest record of the house of representatives.” (Dolly Cab­reza)