Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FB page ng LTO na-hack, pinaglaruan ng netizen

0 282

Pinaglaruan sa social media at ginamit pang stream sa Call of Duty mobile game ang Facebook page ng Land Transportation Office (LTO) na umano’y na-hack.

Ilang netizen ang nagkomento sa nasabing aktibidad.

“Land Transportation Office (LTO) – GAMING #SupportLocalStreamer AWIT SAYO ANG LAKAS NAMAN SIR ???????? NAG STREAM PA NGAAAAAA ???? LTO LANG MALAKAS ???????? MAY PA GIVE-AWAY ATA NA LISENSYA TO ????Baka may matanggal sa trabaho sa Lunes ???? Tinanggal na yung Stream pero maraming nakapag SS ???? Gudlaaaaaaaak. Stream pa,” post ng isang netizen sa kanyang FB page na nag share pa ng screenshots.

Kaugnay nito, itinanggi naman ng Department of Transportation (DOTr) sa isang network na ang sinasabing na-hack na FB page ay peke.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang LTO kaugnay sa nabanggit na pagka-penetrate sa kanilang FB page. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.