Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FB, Twitter kinalampag vs cybersex

0 130

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga pangunahing social media giant na Facebook at Twitter na buwagin ang ilang gawaing kriminal sa kanilang platform lalo na ang online sexual exploitation sa mga kababaihan at mga bata.

“Hindi lang fake news ang madaling kumakalat sa social media, pati mga pang-aabuso sa ating kabataan at kababaihan. Social media platforms that still are not able to address this growing problem should be made accountable,” pahayag ni Hontiveros.

SM food to go Banner Ad

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, sinabi ni Atty. Lawrence Aritao ng International Justice Mission na nitong 2020, nakatanggap sila ng 1.2 milyon ulat ng online sexual exploitation sa bansa.

Tatlong beses itong mas mataas kumpara noong 2019 kung nakagpatala na 400,000 ulat. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.