Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FB, Twitter target kontrolin `di netizen – AFP chief

0 419

Nilinaw ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na ang laman ng mga pino-post sa mga social media platform at hindi ang accunt holder mismo ang gusto niyang isama sa binubuong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Law.

Sinabi ni Gapay sa panayam sa telebisyon Biyernes ng gabi na hindi naman hangad alisin ang karapatan at kalayaan ng mga tao.

“What I mean by that is to regulate and put order on the social media platforms, not the users per se,” sabi ni Gapay.

Aniya, puwedeng mag-upload ang mga netizen ng kahit na anong gustuhin nila sa social media.

“But, what I’m saying is to regulate the platforms on the content that they allow to be uploaded in the platforms such as Facebook, Twitter, and similar platforms,” dagdag ng AFP chief.

Una nang binatikos ng ilang mambabatas ang pahayag ni Gapay na isama ang social media sa IRR ng Anti-Terrorism Law. Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay kinontra siya sa panukala na i-regulate ang social media.

Pinaliwanag naman ni Gapay na ang intension niya ay pigilan ang mga terorista na ginagamit ang social media sa pagre-recruit, pagkuha ng suporta at maging sa paglulunsad ng terror attack. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.