Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA: Andok’s water, Bench cologne delikado

0 81

Nanawagan ang Food and Drug Administration (DFA) sa publiko na huwag bilhin ang Andok’s Purified Spring Water at ang Bench Daily Scent Cologne Lazy Afternoon ng Suyen Corporation.

Ayon sa FDA, ang Andok’s Purified Spring Water ay hindi rehistrado at hindi naisailalim sa pagsusuri ng ahensiya kaya’t hindi nito masisiguro ang kalidad at kaligtasan ng tubig.

Sabi ng FDA, ang problema sa Bench Daily Scent Cologne Lazy Afternoon naman ay hindi tugma ang sangkap nito na nakalagay sa label sa ingredients na idineklara sa ahensiya nang ipinarehistro ito.

Hindi rin umano tugma ang address ng kompanyang distributor nito sa impormasyong idineklara sa FDA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paalala ng FDA, nawawalang bisa ang Certificate of Product Notification kung may mga pagbabago sa impormasyon na laman nito.

Dahil dito, pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag bilhin ang Bench Daily Scent Cologne Lazy Afternoon.

Nanawagan ang FDA sa mga regional office nito at sa mga pulis at local government unit na siguruhing hindi ibinibenta ang mga narurang produkto sa kanilang lugar. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.