Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA: COVID bakuna puwede kahit may sakit sa puso

0 52

Kinumpirma kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 ang mga taong may sakit sa puso.

“Puwede po. Sa ngayon po talaga ang ipinagbawal ang bakuna ay doon lamang sa may mga severe allergy to the vaccine contents,” tugon ni FDA Director General Enrique Domingo sa panayam sa radyo nang tanungin kung maaari ba mabakunahan ang mga may sakit sa puso.

“Kung masyado siguro kayong frail or masyadong mahina, maaaring i-hold `yong vaccine. Pero for people who have stable diseases, ibinibigay din po ang bakuna,” dagdag pa nito.

Aniya, dapat manatili ng 30 minuto sa loob ng vaccination facility ang mga indibibdwal na naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 para maobserbahan kung may allergic reaction ba ito. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.