Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA exec sinampolan sa Ombudsman

0 10

Sinampahan ng reklamo ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Food and Drug Administration-Center for Drug Regulation and Research (FDA-CDRR) dahil inupuan umano ang daan-daang mga Automatic Renewal (AR) drug applications.

Sa motu propio disposition na may petsang Hunyo 8 para kay Ombudsman Samuel Martires, nirekomenda ng ARTA ang pagsasampa ng 412 counts ng kaso sa ilalim ng Section 21 ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 laban kay FDA-CDRR Director Jesusa Joyce N. Cirunay.

SM food to go Banner Ad

Ito’y matapos umanong mabatid ng ARTA na may “prima facie case” matapos aminin umano ni Cirunay na naantala ang pagpoproseso ng mga aplikasyon sa kanyang tanggapan.

Nakasaad umano ang pag-amin ni Cirunay sa kasagutan nito sa show cause order ng ARTA noong Mayo 11. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.