Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA kakalkalin bond paper reseta ng Ivermectin

0 166

Paiimbestigahan ni Health Secretary Francisco Duque III sa Food and Drugs Administration (FDA) ang pamimigay ng gamot na Ivermectin ng ilang mambabatas sa Quezon City na gumamit ng kaduda-dudang reseta.

Nag-viral sa social media ang post ng reseta na isinulat lamang sa isang pirasong papel at hindi sa prescription pad na wala ring pangalan ng doktor sa pamamigay ng Ivermectin nina House Representatives Rodante Marcoleta at Mike Defensor.

Sinabi ng Kalihim na lahat ng reseta ay kailangang may mga detalye tulad ng pangalan ng doktor, address, professional registration number, at tax receipt number. Dapat ding nakasulat ang pangalan ng pasyente, edad, kasarian at petsa.

Depensa naman ni Defensor, hinahanapan lang ng butas ang kanilang pinamigay na ivermectin. Aniya, “Para sa akin kasi, immaterial. ‘Di ba yung reseta, para malaman mo, sino nagbigay ng reseta, apat lang naman na doktor ‘yun. Kilala naman ng mga pasyente kung sino ‘yung doktor.” (Juliet de Loza-Cudia/Eralyn Prado/ Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.