Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA may special lane sa mga gamot kontra virus

0 56

Naglagay ang Food and Drug Administration (FDA) ng special lane para mapabilis ang pag-apruba ng mga aplikasyon para sa gamot na ginagamit laban sa COVID-19.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na target nitong mabigyan ng prayoridad at mapabilis ang pag-apruba sa mga aplikasyon para magamit ang gamot.

Aniya, naaprubahan na ang dalawang brand ng anti-inflammatory drug tocilizumab. Gayundin, ang tatlong brand ng baricitinib, gamot sa rheumatoid arthritis at maaaring maging alternatibo sa tocilizumab.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gamot kontra sa inflammation na may severe arthritis na nakikita na maaaring gamitin sa COVID-19,” paliwanag ni Domingo sa isang public briefing.

Isa umano itong tableta na madaling ipainom sa mga pasyente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.