Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA: Mga COVID vaccine mabisa sa Delta variant

0 102

Tiniyak kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) na epektibo ang lahat ng bakunang ginagamit sa bansa laban sa COVID-19, partikular sa Delta variant na itinuturing ng mga eksperto bilang pinakamabagsik na uri ng naturang virus.

Ayon kay FDA Director General Rolando Enrique Domingo, lahat ng klase ng bakuna na binili at tinanggap ng pamahalaan bilang donasyon mula sa ibang bansa ay may mataas na efficacy rate para labanan ang epekto ng Delta variant.

SM food to go Banner Ad

Aniya, 21 bakuna laban sa COVID-19 ang na-develop na sa buong mundo at walo rito ay binigyan ng emergency authority use (EAU) ng FDA para gamitin sa Pilipinas.

Gayunman, pito sa walong bakuna pa lang aniya ang pinayagang maiturok sa mga mamamayan at lahat ng ito ay mayroong efficacy rate na mula 70% hanggang 95%. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.