Abante Tonite Interactive

FDA nagbabala sa mga cereal product na ‘di nasuri

356

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa nagkalat na mga hindi rehistradong cereal product ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Kabilang sa mga brand na hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng FDA ay ang General Mills kabilang ang Cocoa Puffs Naturally Flavored Frosted Corn Puffs, Golden Grahams Cereal, at Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal.

Idiniin ng ahensiya na mapanganib sa kalusugan ang pagkain ng nasabing mga produkto dahil hindi pa ito dumadaan sa kanilang pagsusuri para matiyak kung ligtas itong kainin, partikular ng mga bata.

Kasabay nito’y hinimok ng FDA ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para matunton ang mga tindahang nagbebenta ng nasabing mga uri ng cereal.

Nakakalat na rin umano ang mga field personnel ng ahensiya para mag-monitor sa mga lugar na maaaring bagsakan ng nasabing mga produkto.