Abante Tonite Interactive

FDA nagbabala sa nagkalat na pekeng lipstick

0 406

Naglabas ng abiso ang Food and Drug Administration (FDA) sa kababaihan na gumagamit ng mga pampaganda ng mukha na hindi rehistrado tulad ng lipstick.

Ito’y matapos matuklasan ng FDA na may ilang brand ng lipstick sa merkado ang hindi dumaan sa tamang proseso at posibleng magdulot ng pa­nganib sa kalusugan.

Sa ipinalabas na report ng FDA kabilang dito ang natuklasan na hindi rehistrado ay ang Monaliza series lipstick, Yes Now make-up moist lipstick, Matte Clareal bold matte lipstick 2 at 3Colors kiss tint Clareal.

Sa isinagawang post marketing surveillance ng nasabing ahensya sa mga nabanggit na cosmetic product, napag-alaman na walang certificate of product notification kaya’t mahigpit na pinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pamamahagi ng natu­rang mga produkto. (Armida Rico)