Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA nagbabala vs abortion pill

0 64

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa gamot na Cytotec ng Pfizer na ang generic name ay Misoprostol na 200mg.

Sabi ng FDA, hindi rehistrado ang Misoprostol sa bansa bilang gamot. Ang Cytotec o Misoprostol ay gamot para sa ulcer ngunit ginagamit din ito para sa pagpapalaglag at sa pagdudugo pagkatapos manganak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Babala ng FDA, nagbabala ang World Health Organization dahil may natagpuang mga pekeng Cytotec sa Africa noong July 2021 na kinumpirma na ng Pfizer. Ayon sa FDA, ang mga pekeng Cytotec ay natagpuang binibenta sa Cameroon, Congo, Ghana at Nigeria.

Paalala ng FDA sa publiko, kailangang bantayan ang pagkalat ng mga pekeng gamot dahil banta ito sa kalusugan ng mga tao at maaari rin itong makapahamak sa mga iinom. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.