Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA nagbabala vs pekeng pampabyuti

0 55

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng ilang produktong pampaganda ng Colourette.

Sa isang post-marketing surveillance ng FDA, natuklasan na walang Certificate of Product Notification ang Colourette hanggang January 20, 2021.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na produkto: Colourette Colourglaze Serotonin; Colourette Colourglaze Blanket; Colourette Colourglaze Daydream; Colourette Colourglaze Sundown.

SM food to go Banner Ad

Sa Republic Act No. 9711 o FDA Act of 2009, bawal ang paggawa, importasyon, pagluwas, pagbebenta, pamamahagi, paglilipat, non-consumer use, promosyon, advertising o sponsorship nang walang kaukulang pahintulot mula sa FDA.
Sinabi ng ahensya na hindi dumaan sa notification process ang produkto kaya hindi tiyak kung ligtas itong gamitin.
Ayon naman sa Founder/CEO ng Colourette na si Nina Ellaine Dizon-Cabrera, hinihintay na lamang nila ang verification bago mag-restock ng Colourglaze.
“The formula/ingredients do not have any problems, we just updated the nomenclature terms of the two of the ingredients as required by the evaluator,” pahayag nito. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.