Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA permit sa gamot pinasimplehan para mabilis

0 226

Dapat umanong simplehan ng Food and Drug Administration (FDA) ang proseso sa pagkuha ng permiso ng mga lokal na pharmaceutical company.

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco, kailangan na gawing mabilis ng FDA ang paraan ng hinihinging permiso ng mga kompanyang gumagawa ng gamot dahil mahalaga ang gagampanang papel ng mga ito upang masugpo ang COVID-19 pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“While we understand the need for thorough study of drugs and medicines, we need to balance it out by making compliance easier for local pharmaceutical firms by cutting out unnecessary red tape and redundant requirements,” sabi ni Velasco.

Mayroon umanong mga ulat na tumatagal ng taon bago makakuha ang isang kompanya ng permit at hindi ito katanggap-tanggap lalo na ngayong may pandemya.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.