Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA pinayagan ivermectin para sa tao

0 269

Binigyan ng certificate of product registration (CPR) ng Food and Drug Administration (FDA) ang locally-manufactured na ivermectin.

Gayunman, nilinaw ni FDA Director General Eric Domingo na ang inisyu nilang CPR sa Lloyd Laboratories para sa ivermectin ay bilang “anti-nematode drug” at hindi para panlunas sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Domingo, nag-aplay ang naturang kumpanya ng CPR para sa ivermectin na gawa sa bansa bilang anti-nematode drug at kaagad naman nila itong inaprubahan matapos na makapagsumite ng datos na susuporta sa kalidad at istabilidad ng produkto.

“Lloyd Laboratories applied for a CPR for locally manufactured ivermectin as an anti-nematode drug and it was granted after they submitted data to support quality and stability of the product,” ayon kay Domingo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.