Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA pumiyok na suporta ng anti-yosi group

0 11

Kinuwestyon ng mga mambabatas ang pagtanggap ng Food and Drugs Administration (FDA) ng pondo mula sa isang anti-tobacco group na maaaring nakaimpluwensya sa polisiya ng ahensiya.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability nitong Miyerkoles, nagtanong si Deputy Speaker Rodante Marcoleta kung walang mali sa ginawang pagtanggap ng FDA mula sa The International Union Against Tuberculosis and Lung Diseases (The Union), na nangangasiwa sa Bloomberg Initiative.

Sagot naman ni FDA Director Ana Rivera pinapayagan ito sa ilalim ng FDA Act of 2009 (Republic Act 9711).

Pero sinabi ni Marcoleta na maaaring taliwas ang nakasaad sa FDA Act sa batas na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na tumanggap ng pabor o regalo.

Sagot naman ni Rivera ikalulugod ng FDA kung gagawa ng batas ang Kongreso upang linawin ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinanong din ni Marcoleta kung masaya ang FDA sa pondong natatanggap nito sa gobyerno.

“In 2016, the funds that were allotted to our office was only P4 million for one year, and this would cover all the operational expenses. And so, at that time, we don’t have extra funds to conduct researches and to hire personnel so that was one of the reasons why we decided to apply for a grant under the Bloomberg project,” sagot ni Rivera.

Ayon kay Marcoleta, nakakita siya ng “impropriety” at “irregularity” sa ginawa ng FDA na maaari umanong may kaugnayan sa posisyon nito laban sa panukalang batas na inaprubahan ng Kamara upang i-regulate ang electronic cigarette sa bansa.

Nagtanong naman si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon kung mayroong hininging kondisyon ang Bloomberg sa pagbibigay nito ng pondo. Sinabi ni Rivera na wala itong hiningi.

Ang FDA ay nakatanggap ng $150,000 grant mula sa Bloomberg. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.