Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDA walang naispatang sikretong hotel sa COVID bakuna

0 102

Walang nakita ang mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) na iligal na bakunahan ng COVID-19 vaccine sa Binondo, Maynila.

“The FDA team went with the team of Manila City Hall to investigate yesterday. But they [FDA] reported that no vaccines were seen,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Ito umano ang lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon matapos maiulat na may nangyayaring iligal na bakunahan sa isang hotel sa Binondo.

SM food to go Banner Ad

Una nang nagpalabas ng memorandum order si Manila Mayor Isko Moreno at inatasan ang mga health officials at Manila Police District (MPD) na hanapin ang umano’y iligal na nagbabakuna sa Binondo.

Sinabi naman ni Health Undersec. Maria Rosario Vergeire na makikipagkoordinasyon ang Department of Health (DOH) sa lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa nasabing iligal na bakunahan.

“We were not informed, we were not given information by this apparent vaccination in city of Manila, though we were able to contact health officials of Manila and we are awaiting for their formal report to our department so we can be able to provide action,” ayon kay Vergeire. (Juliet de Loza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.