Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FDCP-Diño pinalagan ng mga advertiser

0 490

Nanawagan sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang samahan ng mga advertising agency sa bansa para ibasura ang administrative order hinggil sa health at safety protocol sa pagsasagawa ng mga film at audio visual sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Atty. Rafael Calinisan, tagapagsalita ng Association of Accredited Advertising Agencies of the Philippines (4As), walang kapangyarihan ang FDCP na i-regulate ang industriya ng marketing at advertising.

Ang FDCP ay pinamumunuan ni Liza Diño na siyang chairperson at chief executive officer ng ahensiya.

Sabi ni Calinisan, walang ginawang konsultasyon ang FDCP sa mga advertiser at marketer bago inilabas ang naturang kautusan.

Nabatid na ipinatupad ang administrative order noong Hulyo 7 sa suporta ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.