Abante Tonite Interactive

Feature: SINO ANG NASA LIKOD NG PAGPATAY SA MAGKAPATID NA ROSALES?

249

(Part 5)

Humingi na ng tulong sa Philippine National Police-Anti Cybercrime Group ang pulisya para malaman ang social media account ng magkapatid bago ito napatay.

Aniya maging ang cellular phone ni Petronio ay kanila rin itong isusumite sa anti cybercrime group upang matukoy kung sinu-sinong tao ang huli nitong nakausap at ka-transaksyon bago maganap ang pamamaslang dito.

Aniya malaki ang kanilang hinala na kung sinuman ang pumatay kay Kristel ay may kinala­man din sa pagpapatay kay Petronio.

“Humihingi kami ngayon ng tulong sa cybercrime group para ‘yun mga available na mga ebidensiya tulad ng cellphone FB account at saka ‘yun cellphone number na matulungan tayo para makuha kung anuman ang gustong makuhang impormasyon ng ating mga imbestigador.

Hopefully ang true s­cientific investigation ay madagdagan ang data ng investigator na hawak nga­yon para maging solid ang kaso against sa suspect,” sabi pa ni Mitra.

Aniya ang magiging tulong ng cybercrime group kung mare-retrieve nila ang mga importanteng data dun sa account ng magkapatid.

Halimbawa ‘yun sa chat, m­essenger o conversation ng mga taong nakakausap nila nang nabubuhay pa sila sa oras na ma-trace ng mga ito ang nasabing ahensiya ay magkakaroon ng idea o impormasyon ang pulisya kung anu ang transaksyon na meron nitong si Petronio.

Palaisipan din sa mga kapitbahay na magkapatid na Rosales ang motibo sa malagim na sinapit ng dalawa.

Sa panayam kay E­xequiel Wenceslao, 70, alyas Tatay ‘Iking’ kapitbahay at matalik na kaibigan ng ama ng magkapatid na Rosales, aniya hindi sila makapaniwala na pinaslang ng hindi pa nakikilalang suspek ang magkapatid.

“Mabait ang magkapatid wala kang makikitang hindi maganda sa kanila dahil pinalaki ng magandang asal ng kanilang mga magulang at para patayin na lamang silang ng ganun-ganun na lamang, ” pahayag ni Tatay Iking.

Palaisipan pa rin kay Mang Iking ang pagpatay sa magkapatid at posibleng may kinalaman aniya sa mga lupaing iniwan ng kanilang amang yumao.

“Hindi natin alam kasi may mga pera ito baka mamaya sa partihan ng ari-arian ito. Nasa sa Batangas ang mga lupain ng pamilya Rosales na minana sa kanila ng yumaong ama at lolo ng magkapatid,” dagdag pa ng matanda.

Pero aniya, wala naman silang basehan kung ito ang nga ang dahilan dahil hindi naman adik at walang kaaway ang magkapatid para patayin.

Ipinagtataka pa ni Tatay Iking kung bakit pati ang mga laptop na pag-aari ng magkapatid ang ninakaw habang nakaburol si Petrononio.

“Sino bang taong mag-interest na pumasok sa loob ng bahay e lumang luma na ito, at isa pa maraming mga aso sa likod ng bahay at mahihirapan pumasok doon ang magnanakaw.

Kasi base sa report ng pulisya sa nakita nila sa CCTV camera ay wala silang nakitang pumasok at lumabas sa gate nang mga oras na iyon na sinasabing pinasok ang bahay at ninakawan. Tanging mga laptop at dalawang TV ang kinuha at hindi naghalughog ang mga magnanakaw,” kuwento pa ng matanda.

Sinabi pa nito na nang unang gabi na nakaburol si Jr. ay nagkausap sila ni Irma de Guzman Rosales, nanay ng magkapatid na nagsabi sa kanya na “Sana ako na lang ang kunin, ako na lang ang pinatay at hindi ang mga anak ko”.

Hanggang sa nagtaka na lamang si Mang Iking kung bakit nagsalita ng mga ganun katagang si Aling Irma kaya’t naghinala na ito na malalim ang pagpatay sa magkapatid. (Itutuloy)