Abante Tonite Interactive

FEDAL SA FINALE

9

Isa pang throwback match ang naihulma sa final ng Australian Open sa Melbourne.

Mga dating mukha at matagal nang magkaribal na sina Roger Federer at Rafael Nadal ang magkikita sa final sa Linggo. Natupad ang inaabangang Federer vs. Nadal, o FEDAL na nakatuwaang itawag ng maraming tennis fans, sa championship.

Nangailangan si Nadal ng 4 hours, 56 minutes bago naipagpag ang makulit na si Grigor Dimitrov 6-3, 5-7, 7-6 (5), 6-7 (4), 6-4 sa klasikong semifinals match sa Rod Laver Arena kagabi.

Nauna nang umakyat at naghintay sa final si Federer, 35, nang malusutan sa pahirapan ding five-setter ang kapwa-Swiss na si Stan Wawrinka 7-5, 6-3, 1-6, 4-6, 6-3 nitong Huwebes.

Sampa sa kanyang 21st major final ang Spaniard, pang-apat sa sa Australian Open na pinagharian niya noong 2009 nang kalusin si – Federer.

Lamang si Nadal sa 12-year rivalry nila ni Federer 23-11 overall.

Sa 34 matches na nagtagpo ang dalawa, 15 dito sa clay, 16 sa hard court at tatlo sa grass. May winning record si Federer sa grass (2-1), lamang si Nadal sac lacy (13-2). Bentahe rin ni Nadal sa hard courts (9-7).

Hawak ni Federer ang record 17 Grand Slam titles, may 14 si Nadal.