Abante Tonite Interactive

Federalism malabo pa rin

380

Nagpahiwatig si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na posibleng malabo pa ring maisulong ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno mula demokrasya patungong pederalismo.

Ito ay kahit pawang kaalyado ng Malakanyang ang mananalong senador.

Ayon kay Sotto, malabo nang matalakay pa nila sa pagbabalik sesyon ang panukalang federalism habang mahabang debate naman ang kinakaila­ngan bago pa ito maipasa sa 18th Congress.

“I would emanate from the House. In the Se­nate, in the 17th Congress, no chance. 18th Congress, napakahabang debate niyan,” saad ni Sotto.

Isinalaysay ni Sotto na sa Nationalist People’s Coalition (NPC), nagkaroon sila ng briefing hinggil sa federalism kung saan lumabas na mayorya sa kanila ang nagsasabing kailangan muna itong pag-aralang mabuti.

“Hindi rin. It will depends on the merits itself. Ang NPC, nagkaroon ng briefing tungkol dyan, the sentiment is pag-aralan pa natin, ganun kahirap,” pahayag pa ni Sotto.

“Kasi ang nakita namin transition alone is 5-10 years from present to federalism pati debate matagal, I can’t agree na mas madadali na ang federalism sa Senado,” dagdag nito. (Dang Samson-Garcia)