Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Feeling John Lloyd: Joshua umaming yumabang

0 119

ROMMEL PLACENTE: Nag-guest si Joshua Garcia sa you tube channel ni Enchong Dee. May limang question na binato ang huli sa una. Ang isa ay kung hindi raw ba ito artista ngayon,ano dapat si Joshua, Ang sagot niya,”Sundalo. ‘Yun ang gusto ng papa ko para sa akin. Hindi pa sina-suggest ng papa ko na magsundalo ako,gusto ko nang mag-chef,”

Ang papa raw kasi ni Joshua ay isang chef. Kaya gusto niyang sundan ang yapak nito.

“‘Yung lola ko,’yung papa ko,tinuturuan nila akong magluto. Pero lutong probinsya lahat,”

Sundot na tanong ni Enchong kung ipagpapatuloy pa rin ba niya ang plano na maging isang chef,ang sabi ni Joshua,”Siguro hindi na ako babalik sa pag-aaral. Pero mag-aaral ako ng ibang recipe. Kasi mas gusto ko na maaral as business,”

Na ang gusto ni Joshua ay magkaroon din ng food business o restaurant.

Sabi nga niya kay Enchong,”Gusto ko nga magpaturo sa ‘yo ng tricks o tips paano magka-business”

Kung natuloy pala si Joshua na maging isang sundalo,wala siya ngayon sa showbiz, di ba? Siguro destined niya talaga na maging isang artista kaya yumaman siya.Nakapagpatayo siya ng bahay para sa pamilya niya at nakabili ng magarang sasakyan at motor.

MILDRED BACUD: Paboritong tsikahin ng mga celebrities na nagba-vlog si Joshua Garcia. Mabait naman kasi ito at laging nakabungisngis lang. Una na siyang na-interview ni Erich Gonzales just 3 months ago at umabot na ito ng 1.9 million views. Sinampulan din ng aktor si Erich ng kanyang adobo version na tinuro daw ng ama. Tulad ni Enchong na-tackle din ang lovelife ni Joshua. Loveless pa rin kasi ito mula nang mag-break sila ni Julia. Tulad ng sagot ng aktor kay Erich ganun din kay Enchong na ayaw muna niyang mag-focus dito. Kung darating daw ay darating.

Kung may natutunan daw siya sa mga pinagdaanan, ‘yun ay mahalin ang kanyang sarili.Kitang-kita naman ‘yan sa aura ng aktor ngayon. Nag-gain siya ng weight at napakagwapo.

Ang isa sa mga tanong na binato ni Enchong kay Joshua ay tungkol sa pagkakaroon ng star complex .

Na-feel daw ba niya na sa isang point ng kanyang career nu’ng mga panahong sikat na sikat ang JoshLia ay yumabang ito? Sa obserbasyon daw kasi ni Enchong ay nakita niya ang part na ‘yun, kung saan nawerduhan daw siya kasi kapag dumarating ang aktor sa rehearsal, Naka-shades daw ito na parang John Lloyd Cruz. Natawa na lamang ang batang aktor at sinabing may time siguro na yumabang siya pero hindi naman daw sya nag-feeling John Lloyd.

Paliwanag naman ni Enchong hindi naman ang sarili natin ang nakakaramdam its always the other people. Pero happy daw ito dahil nakikita na niya ang dating Joshua. Pahabol pa na paliwanag niya hindi raw niya alam kung bakit kapag nasa relasyon siya ay nag-iiba raw ito.

Garcia muntik iwan ang ABS-CBN

RODEL FERNANDO: Tinanong din mga Ka-Cuatros ni Enchong si Joshua ng saloobin nito tungkol sa pag-shutdown ng ABS CBN. Sabi ng batang aktor, “Parang tinanggap ko na rin na magsasara na ‘yung kumpanya. Meron pa ring trabaho pero mangilan ngilan na lang siguro di tulad dati na maraming dumarating.”

Hindi man daw siya naging aktibo sa mga rally dati pero 100 percent naman daw ang suporta niya sa Kapamilya network.

Tanong pa ni Enchong kung sumagi ba sa isip nito na lumipat ng ibang network. Prangkang sagot ni Joshua, ” Sumagi sa isip ko pero hindi ko magawa dahil iba ‘yung relationship ko na na-build with ABS. Pamilya ko na sila. Hindi ko kayang iwan. Mananatiling loyalty ko sa ABS. “

ROLDAN CASTRO: Naiintindihan namin kung dumating si Joshua sa point na nagbago at yumabang noon. Walang sumikat na artista na hindi nagbago ang attitude. Kahit kahit konti ay meron talaga mag-iiba sa asal nila. Maski sabihin mo pang mabait ‘yan.

Pero, ang importante ay na-realize niya ang pagkakamali niya. ‘Yung bumalik ang pagtapak niya sa lupa.

Grabe rin kasi noon ang trabaho ni Joshua. Napapagod kaya hindi rin masisi kung nagbabago ang mood niya.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.