Abante Tonite Interactive

Feeling sikat na aktor iniwan ng mga fan

By
280

Masyado na raw feeling sikat ang aktor na ito. Dati ay magiliw sa mga fan at reporter, ngayon ay may distansya na.

Sa mga mall nga raw kung saan pumupunta ito ay akala mo raw superstar.

Mahirap na raw magpa-picture. Lagi lang daw naka-cup ito at nakatungo na para bang nagtatago sa publiko.

Abante Hiring – IT dep

Hindi pa rin daw siya nagbago kahit pa nagkaroon na ng isyu sa kanya at ilang mga fan na inisnab niyang magpakuha ng litrato.

Sa halip na mag-apologize ay nagmataas pa si aktor. Kuwento ito ng ilang mga fan na dating sumusuporta sa kanya. Iniwan na siya at lumipat sa ibang artista.