Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Feelingera! Imee wow mali sa kutson ni VP Leni

0 296

Nag-trend ang hashtag na “Kay Leni” sa social media matapos mapahiya si Senador Imee Marcos nang magbigay ng tulong sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa kumalat na video, makikita si Marcos habang itinuturo ang patong-patong na mga kutson at tinanong sa mga opisyal ng provincial government kung iyon ba ang kanyang donasyon.

“Ito ba `yong kutson natin?” tanong ni Marcos sa isang opisyal.

Agad sumagot ang isa sa mga opisyal at sinabing, “Hindi, kay Leni ‘yan! Kay Leni ‘yan.”

SM food to go Banner Ad

Dinaan na lang ni Marcos sa tawa ang pananabla ng opisyal at sinabing, “Kay Leni? Pero `di ba may kutson din tayo na malalaki.”

Natawa ang mga netizen sa pagkapahiya ng senador at mayroong mga nagkomento.

@KurtAdrianDP: “Today, Imee Marcos handed some relief items to the Isabela gov’t. As she approached the provincial execs, she saw a pile of bed foams and asked if those were the one she donated. The execs immediately responded: “‘Di. Kay Leni ‘yan. Kay Leni ‘yan.” Imee: “Kay Leni?”

@seclaudio: So Imee goes to Isabela to donate, ask if the pile of bed foam is their donations and is told “kay Leni yan”. Sometimes instant karma gets documented in a video.”

@theycallmejae: Did anyone else hear the embarrassment in her voice when she asked “kay Leni?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.